Pumili ng pambatang libro na gusto mong basahin. (Kung wala kang available book, maaari ka naming pahiramin. PM lang tayo.)
Gumawa ng pre-recorded video ng iyong pagkukwento.
Ilang paalala:
Be happy and energetic. Para sa mga bata ang ating kwentuhan.
Banggitin sa una't dulo ng video ang iyong pangalan, pati ang mahahalagang info ng libro (author, illustrator, publisher).
Kung may maiisip kang activity o game na angkop sa kwento, maaari ka ring magbigay ng instructions at demo/sample. Ayos lang rin kung questions/quiz ang ibigay mo.
Costume o props? Ikaw ang bahala! Ayos lang rin kung wala. Walang problema!
Make sure na maayos ang audio at video quality. Gumamit ng mic/earphones/headset na may noise cancelling. Basta maiintindihan ng mga tagapanood, oks na!
Mas okay rin kung pahiga o naka-landscape ang video para wide ang projection.
Kung nahihiya kang ipakita ang sarili mo sa buong video, maaaring ipakita na lang ang title page ng libro o mga props habang naririnig ang boses mo sa background.
Okay na okay kung ilang pahina lang ang ipapakita nang buo sa video at okay na okay rin kung mapapaiksi mo ang ilang lines sa kwento (paraphrase)... (for copyright purposes)
I-upload at i-save lamang sa iyong Google Drive ang video, tapos makiki-share na lang sa amin ng link. I-send ang link sa: kwentuhanseries@gmail.com
Padalhan mo kami ng iyong paboritong picture o avatar mo, pati na rin ng cover ng librong babasahin mo para sa poster.
For scheduled upload sa FB page at Youtube Channel ng #KwentuhanSeries. Maaari rin naming ipapanood sa mga bata dito sa aming community. Payag ka ba?
Personal/F2F Storyteller
Lahat welcome!
Kailan ka pwede? PM tayo sa available schedule mo ha?