Environment & Sustainability |
Feb 19, 2022 |
Volunteer Event
Ang TawiLess ay isang awareness campaign tungkol sa Pahinga sa Pananawilis (Tawilis Seasonal Closure) mula Marso -Abril. Sa loob ng dalawang buwan, nangingitlog ang mga tawilis at itinalaga ang Pahinga para hayaang makapagparami muli ang mga tawilis. Ang tawilis ay endemikong uri ng sardinas na sa Pilipinas [Lawa ng Taal] lang matatagpuan at may conservation status na endangered o nanganganib nang maubos. Layon ng campaign na abutin ang mga komunidad at konsyumer sa online at offline platforms.
Nangangailangan kami volunteers:
(1) designers/illustrators [3-4 hr, volunteer fr. home] na mag-iillustrate ng ilang infographics at illustrations (black & white) para sa knowledge products ng TawiLess campaign.
Maaaring matuto ng higit pa sa'ming tawilis website o makipag-ugnayan agad sa'ming Instagram account sa @sangalan.nglawa para mapag-usapan ang mga detalye ng volunteer works.