Environment & Sustainability |
Feb 19, 2022 |
Volunteer Event
Ang TawiLess ay isang awareness campaign tungkol sa Pahinga sa Pananawilis (Tawilis Seasonal Closure) mula Marso -Abril. Sa loob ng dalawang buwan, nangingitlog ang mga tawilis at itinalaga ang Pahinga para hayaang makapagparami muli ang mga tawilis.
Ang tawilis ay endemikong uri ng sardinas na sa Pilipinas [Lawa ng Taal] lang matatagpuan at may conservation status na endangered o nanganganib na maubos. Layon ng campaign na abutin ang mga komunidad at konsyumer sa online at offline platforms.
Nangangailangan kami volunteers para sa:
(1) support secretariat(s) [5-6 hrs] na maaaring mag-email o kumalap ng ayuda (in-kind or financial donations) mula sa mga kakilalang foundations o non-profit para ipamahagi sa mg apektadong mananawilis na bahagi ng Kilusan ng Maliliit na Mangingisda ng Lawa ng Taal (KMMLT).
Maaaring matuto ng higit pa sa'ming tawilis website o makipag-ugnayan agad sa'ming Instagram account sa @sangalan.nglawa kung anong volunteer role ang gagampanan at mga detalye.