Environment & Sustainability |
Feb 19, 2022 |
Volunteer Event
Ang TawiLess ay isang awareness campaign tungkol sa Pahinga sa Pananawilis (Tawilis Seasonal Closure) mula Marso -Abril. Sa loob ng dalawang buwan, nangingitlog ang mga tawilis at itinalaga ang Pahinga para hayaang makapagparami muli ang mga tawilis.
Ang tawilis ay endemikong uri ng sardinas na sa Pilipinas [Lawa ng Taal] lang matatagpuan at may conservation status na endangered o nanganganib na maubos. Layon ng campaign na abutin ang mga komunidad at konsyumer sa online at offline platforms.
Nangangailangan kami volunteers para sa:
(1) audio editors [2-3 hrs] na mag-eedit ng mga audio recordings ng interview sa mga mananawilis bilang content ng campaign.
[POSITIONS FILLED] voice talent(s) [30-60 mins] na magre-record ng audio content para sa social media at radio platforms na ipapatalastas sa Batangas at kalapit na rehiyon.
Maaaring matuto ng higit pa sa'ming tawilis website o makipag-ugnayan agad sa'ming Instagram account sa @sangalan.nglawa kung anong volunteer role ang gagampanan at mga detalye.