Endangered pa rin ang conservation status ng mga tawilis sa Lawa ng Taal lalo na ngayong mas mataas ang aktibidad ng pangingisda sa panahon ng pandemya.
Itinalaga ang mga buwan ng Abril-Mayo bilang Pamamahinga ng Pananawilis (Tawilis Seasonal Closure) sa panahong ito bawal ang pangingisda, pagbebenta at pagbabiyahe ng tawilis.
Ang pagpapahinga ay para hayaang makapangitlog ang mga tawilis at makabawi ang populasyon.
Nangangailangan kami ng patrollers para sa mga ss. na volunteer from home activities:
Mag-sign up lang sa volunteer activity para sa *Zoom on-boarding (30 mins.) on April 10, digital patrol kits, at makipagkumustahan sa may pakana ng Sa Ngalan ng Lawa.
*attendance to Zoom is optional if you're shy and tired as digital kits will be a detailed guide pero highly encourage for co-learning experience