Hindi isinasabalikat ng mga myembro ang mga problema ng kapaligiran, bagkus ay gumagawa lamang ng mga mumunting paraan upang maibsan ito at sinusubukang maiwasan ang mas malaki at mas mabigat nitong maidudulot
SAMAHANG EKOLOHIYA NG UPLB Ang Samahang Ekolohiya ng UP Los Baños ang kauna-unahang naitatag na organisasyong pangkapaligiran sa buong Pilipinas. Ito ay pormal na natatag noong 1974, bagamat ito ay buhay na bago pa ang taong nabanggit bilang isang grupo ng mga empleyado, drayber, magsasaka, madre at estudyante ng mga unibersidad na may malasakit sa kalikasan at sa kapaligiran. Ang dating pangalan nito ay UPLB Ecological Society (Eco Soc). Isa sa unang pakakakilanlan sa Eco Soc ay ang sagisag nito (seal) na lumabas noong kalagitnaan ng dekada ’70. ito ay dinisenyo ng isang grupo ng mga nagtatag sa samahan nooong 1976 na sina Dr. Delfin J. Ganapin Jr., Dr. Nestor Baguinon, Prof. Raymundo Lucero at iba pa. Dahil sa ang Eco Soc noon ay may kasaping mga empleyado, maraming mga gawain ang naisakatuparan sa organisasyon dahil sa tulong-tulong na kontibusyong pinansyal ng mga ito. Ilan sa mga gawaing ito ay: • Regular na pagsasagawa ng mga komperensya ng mga upland farmers, SUMALUP (Pantabangan Area); • Pangongolekta ng mga artikulong pangkapaligiran at pagsasalibro nito bilang isang manual (Reading on Ecology); • Pangongolekta at pagsasalibro ng mga quotations tungkol sa ekolohiya (QuotEcology); • Paggawa ng mga modules sa ekolohiya (Primer on Ecology); • Paggawa ng dalawang slide presentations, Heartbreaks at Ecology is You na ginagamit pa hanggang sa ngayon; • Pagpapalabas ng regular na Kalipunan, ang opisyal na pahayagan ng organisasyon at • Pagmimintina ng isang aklat pangkapaligiran.